Puwede kang magkonekta ng wallet sa Uniswap web app gamit ang desktop o mobile browser.
Para ikonekta ang iyong wallet sa Uniswap:
1. Piliin ang icon na “Kumonekta”.
2. Piliin ang wallet na gusto mong ikonekta.
3. Kung hindi nakalista ang iyong wallet, piliin ang WalletConnect para pumili sa listahan ng mga sinusuportahang wallet.
Kung browser extension o desktop app ang iyong wallet, piliin ang “Tingnan Lahat” para makita ang wallet mo. Kung nasa mobile device ang iyong wallet, i-scan ang QR code o kopyahin ang link ng WalletConnect.
4. Ipo-prompt ang iyong wallet na aprubahan ang pagkonekta. Kapag naaprubahan na, ikokonekta na ang iyong wallet!